Polly po-cket
DutiesTeam SquadLGU UPDATESBday Bash!SponsorsScheduleIDChat Roomss

Welcome Brgy Police Urayong


Duties and Responsibilities of BARANGAY TANOD

ay nahahati sa dalawang tungkulin, ito ay ang National and Barangay Duties


Ang Barangay Tanod ay ang pangunahing hanay na  tagapagpatupad at tagapagpanatili ng katahimikan at kaayusan at seguridad sa barangay at bansa, at tutulong sa mga tao at ahensiya ng gobyerno gaya ng Philppine National Police, PDEA, Department of Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources, IATF atb.. na may katungkulan upang panatilihin ang katahimikan at kaayusan na sumasakop din sa programa ng BPAT (Baranggay Peacekeeping Action Team)


I. National Duties

A. Laban sa Krimen at Droga


1.Maging mapagmatyag sa barangay o lugar na nasasakupan nito laban sa krimen, bisyo, droga at “juvenile delinquency” 


B. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

1. Hadlangan ang mga kaguluhan gaya ng pagkagulat, kalituhan, aklas at nakawan sa panahon ng sakuna o kalamidad;

C. Peace and Order

1. pakikilahok bilang mamamayan at pagkakaruon ng displina ng mga kasapi;
2. Panatilihin ang magandang ugnayan ng pulisya at ng barangay;
3. Bantayan ang mga lugar na pinagmumulan ng krimen gaya ng mga pinagpupugaran ng mga bisyo at sugalan at bahay ng mga nagbibili ng mga panandaliang aliw;
4. Maging huwaran ng isang tumutupad sa tungkulin bilang mamamayan at sariling pagsisikap sa pagpapatupad ng mga araw-araw na gawain;

D. Sa hanay ng Philippine National Police and Department of Environment and Natural Resources ay nag akda ng Kaligtasan at Kalikasan or Kaligkasan volunteer program .

1. Bantayan ang mga illegal activities na may ugnayan na nakakasira sa likas na kayamanan at alagaan ang mga kagubatan at mga hayop.

E. INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF)

1. Protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mga tao.

II. Brgy Duties:


1. Mag-ronda at magmasid sa lugar na sinasakupan;
2. Kumalap ng impormasyon sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran sa barangay;
3. Tumulong sa pagbibigay ng serbisyo tungkol sa kalusugan, trapiko, kaligtasan at seguridad sa mga sakuna.
4. Sundin ang alituntunin ng ating bayan o barangay laban sa covid19.


Copyright 2021-2022 Caba LU 
Barangay Pulis Urayong